Posts

Showing posts with the label Mga Tula

Irog

Sana nama'y iyong pakinggan Pusong nawalay, nananambitan 'Di man sadyang ika'y iwanan Damdaming ligalig, walang mahagkan O, aking irog; mahal sa buhay Lugod ay ikaw sa habambuhay Mga kinimkim, nais ihayag Aking panaginip, sakdal nang bihag 'Wag sanang limutin, masidhing damdamin Na 'di man palarin, mananalangin 'Di na magtatago, walang sisisihin 'Pagkat ang mabuhay, ikaw ang ibig sabihin

Hiling

Ilang beses mang tumayo, nadarapa pa rin Sumigaw ma’ng malakas, walang nakikinig Mga panaghoy, kailan kaya diringgin? Mayroon bang makakasama sa dilim? Walang mapagkunan ng lakas Pabalik-balik sa umpisa Nangungulila sa paglingap May pag-asa bang maaaninag? Wala namang ibang hiling Kundi pusong nakikinig Mga matang ‘di nanghuhusga Mga bisig na kumakalinga

Pilat

Walang pakialam sa sinasabi ng iba Takot nama’ng pilat ay maipakita ‘Di lubos yakap ang kapulaan Nangangambang mahusgahan   Magkaroon man ng sugat Ito’y marka ng tagumpay Sa katawan ma’y bakat May ganda ring taglay   Buti pa ang katawan, ‘di napipi sa sakit Samantalang ang puso'y 'di nasanay umimik Yakapin ang kahinaan, buuin ang nawasak Sa paghilom, magandang pilat ay sisikat

Hinga Lang

Nilalamon ka man ng lungkot Lugmok sa pangungulila't pagod Hinga lang ‘Di natutulog ang Diyos   Pakiramdam ma'y nag-iisa Pinaglayo ng pandemya Hinga lang Maaayos din ang lahat   ‘Wag sukuan ang pag-asa Sa Diyos ay umasa ‘Di man umayon ang panahon Sa Kanya, may pagkakataon   Nasaan ka man ngayon Mahirap man ang sitwasyon Hinga lang May darating na solusyon   Ngayong sinusubok tayo ng Diyos Hirap man unawain nang lubos Hinga lang Sa huli’y may paghilom

Pilipino: Wikang Maharlika

Sa daan-daang wikang sinasalita May isang dakila'ng pagkakalikha Salamin ng makulay na adhika Nagbubuklod sa bayang dakila   Pagkakakilanlan ng lahi Sandigan nang buklura’y manatili Sakdal sa lahat ng wikang pinili Karikta’y banal at namumukod-tangi   Pinag-isa ang bayang watak-watak Pinanday ng karanasa’t ‘di palalasak Sumasabay sa panahong mapanubok ‘Di bumibigay, pagkakaisa’y iniaalok   Sa kabila ng pagkakaiba-iba Wikang Pilipino’y kinikilala Hulma’y dakila’ng pagkakalikha Kaluluwa ng bayang maharlika

Bigat

Laging may bigat na nararamdaman Mga bagay na ‘di pa rin naiintindihan Laging nababalot sa takot Mga panagip ay bangungot   Manhid na sa sakit Nginingiti na lang ang pait Pusong nilisan ng pag-asa Kaluwalhatia’y ninanasa   Araw-araw hinahamon Sa kalungkuta’y bumabaon Nilalamon ng pag-iisa Walang katuwang sa pagdurusa   Nauubusan na ng panahon Nawawalan na ng pagkakataon 'Di pumanig ang sitwasyon Hirap sa sarili’y bumangon    

Laya

Isang malayang tao May matibay na pagkatao Walang piring ang mga mata May sariling pagpapasya Napako sa obligasyon Nawalan ng disposisyon Laging nasa isip ay iba Sa buhay nila'y tanikala Sa kabila ng mga nagawa Laging may panunuya Intensiyon ma'y mabuti Sa huli'y lagi pang nasisisi Nais nang kumalas Sa buhay na de-kumpas Laging may pagdirikta Iba ang naghuhulma Pasensiya'y napupundi Nawalan ng bait sa sarili Maraming salitang naririnig Sa sariling tinig, nais tumindig Nasa ko'y maging malaya Mabuhay ng may pag-asa 'Di kailangang nakatali Walang sinomang nagmamay-ari

Salubong

Nilamon ang isip ng pagtataka May nagawa bang pagkakasala? Kung lumayo ma't napag-isa Nawaglit ba sa alaala? Tumakbo't nagtago Namanhid sa pagsuyo Pusong nagdarabog Sa isipa'y nambubugbog 'Di man lubos na naiintindihan 'Di man sambit ang pagdaramdam Lugmok sa pananambitan Damdami'y pinagdaramutan Tayo'y magtagpo sa dulo ng 'yong galit Nang mga puso'y 'di makasakit 'Di man datnan ng kapatawaran Magkawalay man, walang pagsisisihan

Tumindig

Minsan ma'y 'di nasusunod ang plano 'Wag matakot huminto't magbago Madalas mang ulanin ng pagsubok Mayuming sumabay sa pag-agos 'Wag ikumpara ang sarili sa iba May pag-asa sa bawat pagdurusa Minsan ma'y napag-iiwanan Tibay ng loob, panghawakan 'Wag papasakop sa lungkot Tumindig, tuldukan ang poot Mag-isa man o may kasama, wala ring mag-iiba Kung sa pangamba'y laging padadala Sa bawat araw na lumilipas Yakapin ang tuwa't lumbay, iwasiwas Tadhanang kinagisna'y malupit 'Wag pasusukol, abutin ang langit

Kwerdas

Ligayang sakal sa mga kwerdas Galit na sa leeg nakakwintas Bibig na sinisigaw ay dahas Sa kalungkutan, sana'y makaalpas Masakit mang maiwang mag-isa Mas magandang 'di na umasa pa Lungkot nama'y mawawaglit Kaysa sa pusong nangangalit Pangungulila sa matang itinatago ng ngiti Indak sa pusong nababalot sa pighati Kaligayahang pinagdamot ng panahon Wakasan ang kirot ng kahapon Kung makalilimot lang ang gunita Sana'y 'di na muling madapa 'Di man mabait ang pagkakataon Maraming leksyong naibaon  Sa panahon ng pag-iisa Maraming bumabalik na alaala Naging marupok man ang pundasyon Susubok pa rin sa ibang pagkakataon

Gunita

Mapamiling mga mata Sari-saring nakikita Aninong malungkot Sumasayaw mag-isa Maraming sumisigaw Walang nakikinig Malinaw ang paningin Isip nama’y nakapiring Sa pag-iisa Maraming gunita Sa daming inaalala Wala namang makaalala Sa pag-ikot ng mundo Walang umiikot sa’yo Lahat nakikikonekta ‘Kaw, kampanteng mag-isa Bulagin man ng kariktan Sa kadilima'y 'wag manahan Sa’n man magtungo Balikan ang ipinangako

Ahon

Eh Kasi Pinoy

Pinoy, dakila ang ‘yong lahi Bukambibig, laya’t diwang puri Kakaiba’ng kaalamang nakabinhi Karanasa’y taal at namumukod-tangi Tumingin man sa kana’t kaliwa Ibang-iba ang isip, ugali’t gunita Sa lente ng iba ma’y tanikala Makulay ang maskarang nilikha Pisikal ma’y layo-layo Iba ma’ng direksyong tinutungo Buklura’y isang dibuho Sunod sa ritmong bumubuo May karanasan mang kolonyal Kaisipang mapagpalaya’y nakakintal Sa pang-aalipin ma’y sakal Pagkakakilanla’y sakdal Nadapa ma’t naiwang mag-isa Natayo sa sariling mga paa Sa dilim ma’y kumapa-kapa Nailawan, sariling kandila Lumipas man ang panahon Tubog sa kwento ng inspirasyon Na subukin man ng pagkakataon Sa unos, sabay-sabay aahon

Gaya ng Tubig

Ang tubig, nagbibigay-buhay Pumamatid sa uhaw Pumapawi sa init ng araw Kanlungan ng buhay-ilang Ang tubig, malakas Nakalulunod; nakakapaminsala Yumayakap sa mundo Minsa'y nakapaparam sa buhay dito Ang tubig, laganap Makikita kung saan-saan Maging sa ilalim ng disyertong tigang Maging sa polar ay nananahan Ang tubig, malinaw at malabo Minsa'y pwedeng manalamin Minsan, may kadilimang angkin Kalmadong masungit; mapagbigay na maramot Ang tubig, napapagod Pwedeng maubos Wala ng naibibigay Nagtatago sa kaila-ilaliman Ang tubig, bumabangon Manlabo ma'y lilinaw din kalaunan Maubos ma'y makikita rin sa ibang paraan Makakitil ma'y lundayan din ng buhay --------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang tao ay parang tubig. Ito ang bumubuo sa malaking bahagdan ng ating katawan, pumapatid sa ating uhaw, at nagbibigay-ginhawa. Minsan, para tayong tubig, gaanon man tayo kalin...

Desaparecido

Katotohanan…Mabalasik ang mundo Takot…Moralidad ay yurak Manhid…Bulag, pipi’t bingi sa alingawngaw Katarungan…Isigaw ma’y mailap sa piniringan Hustisya ma’y mabili, budhi’y naniningil sa huli Kung ang kapayapaa’y sa dahas nakakamit May pagkakaiba pa kaya sa huli? Mulat man sa mali, ‘di pa rin ito dapat ginagawi Mabaon man sila sa lupa Mukha ma’y mawala't maabo Kasaysaya’y itatanghal ang aba Kung kailan pa yumao, doon lang dininig ang kwento

Pilipinas, Aking Pintakasi

Nakakatuwa naman ang karanasan ko kanina sa isang seksyon na binantayan ko. Ang kanilang gawain ay gumawa ng isang tula na may ritmo at tugma. Hilig ko ang paggawa ng tula kaya halos hindi man lang namin namalayan ang paglipas ng oras. Narito ang tula na aking ginawa. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Aking Pintakasi Pintakasi, aking bayang hinirang Lundayan ng dunong, pugad ng tapang Pag-alabin ang puso’t lahing pagal Dinggin ang pagsamo’t apoy, tumagal Hirang, iwaksi mo ang kasaysayan Alisin ang piring sa aba mong bayan Tupdin naming lubos ang ‘yong adhika Magnasang sa mundo’y madarakila O ‘Pinas, ganda mo’y ‘di magmamaliw Sa yumi mong taglay, banyaga’y baliw Ano’ng sikreto mo’t di ka maiwan? Sa piling kaya’y kaya pang manahan? Walang pagsidlan, tuwang nadarama Paglingkuran ka’y tunay na ligaya Ikaw ang kariktan ng aking puso Makasama ka, sa’ki’y bumu...

Uncover Rizal: Silhouette of the Great Malayan

Ryan R. Pecson  June 2015         Pervasive as it today, the cancers of society inevitably trampled the morality of this nation. As selfishness corrupted our minds with despicable acts, we could hardly determine how to live this life more decently, courageously, and meaningfully. For at this moment, people as defenseless as we, it takes more courage to stand for ideals silenced by fear and human catastrophe.      Speechless? That’s how we are for a hundred years of colonial oppression. Fear shook our principles and demoralized our philosophy. As we witnessed the passing years of defenselessness, we viewed ourselves as inutile and incapacitated. In short, we’ve been lost in the wilderness.      My fellows, it takes more guts to accept the truth – that the truth may stab us and cause us downfall. For it’s hard to believe that we’ve slaved in our own land, that freedom is not ours, and the future is uncertain. Gone are the...

Mabuting Ani

Laksang-hirap at pagod ang binuno  Upang tamis ng tagumpay ngayo'y makatagpo Sa medalya't sertipikong tatanggapin Dasal ng magulang, Diyos ay dininggin Ano'ng galak ng puso ang makakantam Sa lahat ng pagsubok ay may nasumpungan Na gantimpala't pampatid sa hirap ng pag-aaral Na pamalit sa isipang minsan di'y napapagal O, kay sarap makamit ang prutas ng tagumpay Na magpupunla muli ng simbuyong magsumikhay Mangarap, magnais na buhay mabago Tumuklas ng bagong landasing matutungo Kung ang bawat pagkilala at bagong ani Ito ang binhi na magpupunla ng pintakasi Na magpursiging maabot ang pangarap Na magpatuloy sa pag-abot ng alapaap

Eduk-aksyon

Edukasyo’y makulay, interesante’t mahusay Lundayan ng pundasyong matibay Sibulan ng lahing marangal at dakila Hulmahan ng pantas na tinitingala. Karunungan dito’y di napaparam Hatid nito’y ‘sang laksang kaalaman Siksik, liglig, at umaapaw nang lubusan Walang humpay sa paghubog ng kaalaraan. Pandayan nang isip ay mamulat Sa katotohanang sadyang panlahat Susi sa kamangmangang sadlak Bumangon sa buhay na payak. Haplos ng kalinanga’y ramdam Pagkain sa isipang sa kamuwangan ay kalam Gabay sa landasing tinatahak Sa kalantaran sa mundo’y laksa ang galak. Hindi kung sino-sino o ano-ano Edukasyong hindi humuhusga ng palalo Dinidiligan nito ang puno nang bunga’y masagana Hinihintay mahinog bago pitasin at makuha. Ito ang ipinunlang maaani Sa sipag at tiyaga, buhay ay maitatangi Sa kilos at gawa, dangal ay maitatanghal Edukasyo’y impormasyong bumubukal. Edukado’y kilala sa gawa ‘Di sa bulalas ng kanyang dila Kaisipa’y realidad ang n...

Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba

Nasyon sa mundo'y 'sang laksa Kaya't pagkakaisa'y hirap makita Kaliwa't kanan may nagbobombahan Kapayapaa'y hirap masumpungan Marami na ang nagbuwis ng buhay Makamtan lang kapayapaang inaasam Marami na ang nagbago Ngunit pagkakaisa'y laging nabibigo Saan ba natin dadalhin ang pagkakaiba-iba? Sa hukay ba'y makokontento ka na? Paano magsisimula ang pagbabago? 'Di ba't magsisimula ito sa 'yo? Kapatid, kulay mo ma'y iba. Salita mo ma'y 'di ko maintindihan tuwina. Sisikapin kong unawain kang lagi. Upang tayo'y mabuhay ng may ngiti.