Mabuting Ani

Laksang-hirap at pagod ang binuno 
Upang tamis ng tagumpay ngayo'y makatagpo
Sa medalya't sertipikong tatanggapin
Dasal ng magulang, Diyos ay dininggin

Ano'ng galak ng puso ang makakantam
Sa lahat ng pagsubok ay may nasumpungan
Na gantimpala't pampatid sa hirap ng pag-aaral
Na pamalit sa isipang minsan di'y napapagal

O, kay sarap makamit ang prutas ng tagumpay
Na magpupunla muli ng simbuyong magsumikhay
Mangarap, magnais na buhay mabago
Tumuklas ng bagong landasing matutungo

Kung ang bawat pagkilala at bagong ani
Ito ang binhi na magpupunla ng pintakasi
Na magpursiging maabot ang pangarap
Na magpatuloy sa pag-abot ng alapaap

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?