Hiling


Ilang beses mang tumayo, nadarapa pa rin
Sumigaw ma’ng malakas, walang nakikinig
Mga panaghoy, kailan kaya diringgin?
Mayroon bang makakasama sa dilim?

Walang mapagkunan ng lakas
Pabalik-balik sa umpisa
Nangungulila sa paglingap
May pag-asa bang maaaninag?

Wala namang ibang hiling
Kundi pusong nakikinig
Mga matang ‘di nanghuhusga
Mga bisig na kumakalinga

Comments