Pilat

Walang pakialam sa sinasabi ng iba

Takot nama’ng pilat ay maipakita

‘Di lubos yakap ang kapulaan

Nangangambang mahusgahan

 

Magkaroon man ng sugat

Ito’y marka ng tagumpay

Sa katawan ma’y bakat

May ganda ring taglay

 

Buti pa ang katawan, ‘di napipi sa sakit

Samantalang ang puso'y 'di nasanay umimik

Yakapin ang kahinaan, buuin ang nawasak

Sa paghilom, magandang pilat ay sisikat


Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?