Hinga Lang

Nilalamon ka man ng lungkot

Lugmok sa pangungulila't pagod

Hinga lang

‘Di natutulog ang Diyos

 

Pakiramdam ma'y nag-iisa

Pinaglayo ng pandemya

Hinga lang

Maaayos din ang lahat

 

‘Wag sukuan ang pag-asa

Sa Diyos ay umasa

‘Di man umayon ang panahon

Sa Kanya, may pagkakataon

 

Nasaan ka man ngayon

Mahirap man ang sitwasyon

Hinga lang

May darating na solusyon

 

Ngayong sinusubok tayo ng Diyos

Hirap man unawain nang lubos

Hinga lang

Sa huli’y may paghilom


Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?