Bigat

Laging may bigat na nararamdaman

Mga bagay na ‘di pa rin naiintindihan

Laging nababalot sa takot

Mga panagip ay bangungot

 

Manhid na sa sakit

Nginingiti na lang ang pait

Pusong nilisan ng pag-asa

Kaluwalhatia’y ninanasa

 

Araw-araw hinahamon

Sa kalungkuta’y bumabaon

Nilalamon ng pag-iisa

Walang katuwang sa pagdurusa

 

Nauubusan na ng panahon

Nawawalan na ng pagkakataon

'Di pumanig ang sitwasyon

Hirap sa sarili’y bumangon

 

 


Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?