Pilipino: Wikang Maharlika

Sa daan-daang wikang sinasalita

May isang dakila'ng pagkakalikha

Salamin ng makulay na adhika

Nagbubuklod sa bayang dakila

 

Pagkakakilanlan ng lahi

Sandigan nang buklura’y manatili

Sakdal sa lahat ng wikang pinili

Karikta’y banal at namumukod-tangi

 

Pinag-isa ang bayang watak-watak

Pinanday ng karanasa’t ‘di palalasak

Sumasabay sa panahong mapanubok

‘Di bumibigay, pagkakaisa’y iniaalok

 

Sa kabila ng pagkakaiba-iba

Wikang Pilipino’y kinikilala

Hulma’y dakila’ng pagkakalikha

Kaluluwa ng bayang maharlika


Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?