Laya

Isang malayang tao
May matibay na pagkatao
Walang piring ang mga mata
May sariling pagpapasya

Napako sa obligasyon
Nawalan ng disposisyon
Laging nasa isip ay iba
Sa buhay nila'y tanikala

Sa kabila ng mga nagawa
Laging may panunuya
Intensiyon ma'y mabuti
Sa huli'y lagi pang nasisisi

Nais nang kumalas
Sa buhay na de-kumpas
Laging may pagdirikta
Iba ang naghuhulma

Pasensiya'y napupundi
Nawalan ng bait sa sarili
Maraming salitang naririnig
Sa sariling tinig, nais tumindig

Nasa ko'y maging malaya
Mabuhay ng may pag-asa
'Di kailangang nakatali
Walang sinomang nagmamay-ari


Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?