Salubong

Nilamon ang isip ng pagtataka
May nagawa bang pagkakasala?
Kung lumayo ma't napag-isa
Nawaglit ba sa alaala?

Tumakbo't nagtago
Namanhid sa pagsuyo
Pusong nagdarabog
Sa isipa'y nambubugbog

'Di man lubos na naiintindihan
'Di man sambit ang pagdaramdam
Lugmok sa pananambitan
Damdami'y pinagdaramutan

Tayo'y magtagpo sa dulo ng 'yong galit
Nang mga puso'y 'di makasakit
'Di man datnan ng kapatawaran
Magkawalay man, walang pagsisisihan

Comments