Ahon



Lungkot na tinatago ng tuwa
Pangambang nginingiti ng labi
Sakal sa aninong bumubulong
Gapos sa paghusga ng kahapon

Minsa'y 'di man maintindihan
Nakakubli sa mundong ginagalawan
Bingi sa sariling panaghoy
Basagin ang pader ng ilusyon

Mapunit man ng mga salita
Maisip mang sarili'y walang-halaga
'Di ka iiwang mag-isa
Kaya't iwaksi ang pangamba

Ako na'ng bubulong sa'yo
May halaga ka sa mundo
Sa hirap, may makakasama
Mabuhay ng may pag-asa

Tahimik na aagapay sa'yo
'Pag nadapa'y sabay na tatayo
'Di man alam ang pagdurusa
Sa takot, 'wag kang padadala




Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?