Tumindig

Minsan ma'y 'di nasusunod ang plano
'Wag matakot huminto't magbago
Madalas mang ulanin ng pagsubok
Mayuming sumabay sa pag-agos

'Wag ikumpara ang sarili sa iba
May pag-asa sa bawat pagdurusa
Minsan ma'y napag-iiwanan
Tibay ng loob, panghawakan

'Wag papasakop sa lungkot
Tumindig, tuldukan ang poot
Mag-isa man o may kasama, wala ring mag-iiba
Kung sa pangamba'y laging padadala

Sa bawat araw na lumilipas
Yakapin ang tuwa't lumbay, iwasiwas
Tadhanang kinagisna'y malupit
'Wag pasusukol, abutin ang langit

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?