Kwerdas

Ligayang sakal sa mga kwerdas
Galit na sa leeg nakakwintas
Bibig na sinisigaw ay dahas
Sa kalungkutan, sana'y makaalpas

Masakit mang maiwang mag-isa
Mas magandang 'di na umasa pa
Lungkot nama'y mawawaglit
Kaysa sa pusong nangangalit

Pangungulila sa matang itinatago ng ngiti
Indak sa pusong nababalot sa pighati
Kaligayahang pinagdamot ng panahon
Wakasan ang kirot ng kahapon

Kung makalilimot lang ang gunita
Sana'y 'di na muling madapa
'Di man mabait ang pagkakataon
Maraming leksyong naibaon 

Sa panahon ng pag-iisa
Maraming bumabalik na alaala
Naging marupok man ang pundasyon
Susubok pa rin sa ibang pagkakataon



Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?