Gunita


Mapamiling mga mata
Sari-saring nakikita
Aninong malungkot
Sumasayaw mag-isa

Maraming sumisigaw
Walang nakikinig
Malinaw ang paningin
Isip nama’y nakapiring

Sa pag-iisa
Maraming gunita
Sa daming inaalala
Wala namang makaalala

Sa pag-ikot ng mundo
Walang umiikot sa’yo
Lahat nakikikonekta
‘Kaw, kampanteng mag-isa

Bulagin man ng kariktan
Sa kadilima'y 'wag manahan
Sa’n man magtungo
Balikan ang ipinangako

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?