Pilipinas, Aking Pintakasi

Nakakatuwa naman ang karanasan ko kanina sa isang seksyon na binantayan ko. Ang kanilang gawain ay gumawa ng isang tula na may ritmo at tugma. Hilig ko ang paggawa ng tula kaya halos hindi man lang namin namalayan ang paglipas ng oras. Narito ang tula na aking ginawa.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Aking Pintakasi

Pintakasi, aking bayang hinirang
Lundayan ng dunong, pugad ng tapang
Pag-alabin ang puso’t lahing pagal
Dinggin ang pagsamo’t apoy, tumagal

Hirang, iwaksi mo ang kasaysayan
Alisin ang piring sa aba mong bayan
Tupdin naming lubos ang ‘yong adhika
Magnasang sa mundo’y madarakila

O ‘Pinas, ganda mo’y ‘di magmamaliw
Sa yumi mong taglay, banyaga’y baliw
Ano’ng sikreto mo’t di ka maiwan?
Sa piling kaya’y kaya pang manahan?

Walang pagsidlan, tuwang nadarama
Paglingkuran ka’y tunay na ligaya
Ikaw ang kariktan ng aking puso

Makasama ka, sa’ki’y bumubuo
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Para sa akin, therapeutic ang pagsulat ng tula. May kaginhawaan talaga akong nadarama kapag nakalilikha ako ng ganitong obra. Pakiramdam na nakakapagpalaya at nakapaghahatid ng kapayapaan sa aking kaluluwa.

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?