Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba

Nasyon sa mundo'y 'sang laksa
Kaya't pagkakaisa'y hirap makita
Kaliwa't kanan may nagbobombahan
Kapayapaa'y hirap masumpungan

Marami na ang nagbuwis ng buhay
Makamtan lang kapayapaang inaasam
Marami na ang nagbago
Ngunit pagkakaisa'y laging nabibigo

Saan ba natin dadalhin ang pagkakaiba-iba?
Sa hukay ba'y makokontento ka na?
Paano magsisimula ang pagbabago?
'Di ba't magsisimula ito sa 'yo?

Kapatid, kulay mo ma'y iba.
Salita mo ma'y 'di ko maintindihan tuwina.
Sisikapin kong unawain kang lagi.
Upang tayo'y mabuhay ng may ngiti.

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?