Desaparecido

Katotohanan…Mabalasik ang mundo
Takot…Moralidad ay yurak
Manhid…Bulag, pipi’t bingi sa alingawngaw
Katarungan…Isigaw ma’y mailap sa piniringan

Hustisya ma’y mabili, budhi’y naniningil sa huli
Kung ang kapayapaa’y sa dahas nakakamit
May pagkakaiba pa kaya sa huli?
Mulat man sa mali, ‘di pa rin ito dapat ginagawi

Mabaon man sila sa lupa
Mukha ma’y mawala't maabo
Kasaysaya’y itatanghal ang aba
Kung kailan pa yumao, doon lang dininig ang kwento

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?