Eduk-aksyon
Edukasyo’y makulay, interesante’t mahusay
Lundayan ng pundasyong matibay
Sibulan ng lahing marangal at dakila
Hulmahan ng pantas na tinitingala.
Karunungan dito’y di napaparam
Hatid nito’y ‘sang laksang kaalaman
Siksik, liglig, at umaapaw nang lubusan
Walang humpay sa paghubog ng kaalaraan.
Pandayan nang isip ay mamulat
Sa katotohanang sadyang panlahat
Susi sa kamangmangang sadlak
Bumangon sa buhay na payak.
Haplos ng kalinanga’y ramdam
Pagkain sa isipang sa kamuwangan ay kalam
Gabay sa landasing tinatahak
Sa kalantaran sa mundo’y laksa ang galak.
Hindi kung sino-sino o ano-ano
Edukasyong hindi humuhusga ng palalo
Dinidiligan nito ang puno nang bunga’y masagana
Hinihintay mahinog bago pitasin at makuha.
Ito ang ipinunlang maaani
Sa sipag at tiyaga, buhay ay maitatangi
Sa kilos at gawa, dangal ay maitatanghal
Edukasyo’y impormasyong bumubukal.
Edukado’y kilala sa gawa
‘Di sa bulalas ng kanyang dila
Kaisipa’y realidad ang naisin
Kapalara’y sapalarang babaguhin
Comments
Post a Comment