Irog

Sana nama'y iyong pakinggan
Pusong nawalay, nananambitan
'Di man sadyang ika'y iwanan
Damdaming ligalig, walang mahagkan

O, aking irog; mahal sa buhay
Lugod ay ikaw sa habambuhay
Mga kinimkim, nais ihayag
Aking panaginip, sakdal nang bihag

'Wag sanang limutin, masidhing damdamin
Na 'di man palarin, mananalangin
'Di na magtatago, walang sisisihin
'Pagkat ang mabuhay, ikaw ang ibig sabihin

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?