Posts

Salubong

Nilamon ang isip ng pagtataka May nagawa bang pagkakasala? Kung lumayo ma't napag-isa Nawaglit ba sa alaala? Tumakbo't nagtago Namanhid sa pagsuyo Pusong nagdarabog Sa isipa'y nambubugbog 'Di man lubos na naiintindihan 'Di man sambit ang pagdaramdam Lugmok sa pananambitan Damdami'y pinagdaramutan Tayo'y magtagpo sa dulo ng 'yong galit Nang mga puso'y 'di makasakit 'Di man datnan ng kapatawaran Magkawalay man, walang pagsisisihan

Tumindig

Minsan ma'y 'di nasusunod ang plano 'Wag matakot huminto't magbago Madalas mang ulanin ng pagsubok Mayuming sumabay sa pag-agos 'Wag ikumpara ang sarili sa iba May pag-asa sa bawat pagdurusa Minsan ma'y napag-iiwanan Tibay ng loob, panghawakan 'Wag papasakop sa lungkot Tumindig, tuldukan ang poot Mag-isa man o may kasama, wala ring mag-iiba Kung sa pangamba'y laging padadala Sa bawat araw na lumilipas Yakapin ang tuwa't lumbay, iwasiwas Tadhanang kinagisna'y malupit 'Wag pasusukol, abutin ang langit

Kwerdas

Ligayang sakal sa mga kwerdas Galit na sa leeg nakakwintas Bibig na sinisigaw ay dahas Sa kalungkutan, sana'y makaalpas Masakit mang maiwang mag-isa Mas magandang 'di na umasa pa Lungkot nama'y mawawaglit Kaysa sa pusong nangangalit Pangungulila sa matang itinatago ng ngiti Indak sa pusong nababalot sa pighati Kaligayahang pinagdamot ng panahon Wakasan ang kirot ng kahapon Kung makalilimot lang ang gunita Sana'y 'di na muling madapa 'Di man mabait ang pagkakataon Maraming leksyong naibaon  Sa panahon ng pag-iisa Maraming bumabalik na alaala Naging marupok man ang pundasyon Susubok pa rin sa ibang pagkakataon

Gunita

Mapamiling mga mata Sari-saring nakikita Aninong malungkot Sumasayaw mag-isa Maraming sumisigaw Walang nakikinig Malinaw ang paningin Isip nama’y nakapiring Sa pag-iisa Maraming gunita Sa daming inaalala Wala namang makaalala Sa pag-ikot ng mundo Walang umiikot sa’yo Lahat nakikikonekta ‘Kaw, kampanteng mag-isa Bulagin man ng kariktan Sa kadilima'y 'wag manahan Sa’n man magtungo Balikan ang ipinangako

Ahon

Eh Kasi Pinoy

Pinoy, dakila ang ‘yong lahi Bukambibig, laya’t diwang puri Kakaiba’ng kaalamang nakabinhi Karanasa’y taal at namumukod-tangi Tumingin man sa kana’t kaliwa Ibang-iba ang isip, ugali’t gunita Sa lente ng iba ma’y tanikala Makulay ang maskarang nilikha Pisikal ma’y layo-layo Iba ma’ng direksyong tinutungo Buklura’y isang dibuho Sunod sa ritmong bumubuo May karanasan mang kolonyal Kaisipang mapagpalaya’y nakakintal Sa pang-aalipin ma’y sakal Pagkakakilanla’y sakdal Nadapa ma’t naiwang mag-isa Natayo sa sariling mga paa Sa dilim ma’y kumapa-kapa Nailawan, sariling kandila Lumipas man ang panahon Tubog sa kwento ng inspirasyon Na subukin man ng pagkakataon Sa unos, sabay-sabay aahon

BATTLING CABIN FEVER

In this wake of the COVID-19 pandemic, millions of millions of people around the world had been practicing social distancing, home quarantine, or self-isolation. Such situations pave the way for people to experience cabin fever. It is an extreme feeling of restlessness/irritation for a long time brought about by isolation or confinement. Though restlessness and irritation are the primary symptoms of cabin fever, some people may also experience at the same time, the other signs or symptoms in various deg rees such as : - Impatience - Fear - Troublesome - Sadness/anxiety/depression - Anger/irrational outburst - Frustration - Hopelessness - Unmotivated - Lethargy   - Mood swing - Resentment - Inability to concentrate - Food cravings It is important to note that only trained mental health professional can accurately diagnose cabin fever. Some of the listed signs/symptoms above may also signs/symptoms for other mental health issues. ...