Posts

Ecological Check, Mother Earth is Deteriorating: Educators’ Role in Environmental Education

As we witnessed the rapid innovation of our time, man’s activities toward technological advancement and industrialization threaten the earth’s capacity to sustain mankind. In the advent of technology and fast-pacing human pursuit for development, the earth is facing its fastest deterioration to date which also calls for a bit of concern today. As humans, we always find ways to ease our way of living by using the bountiful natural resources around us which also signals our never-ending abuse and the exploitation of the ecology. Hence, ecological destruction becomes inevitable for mankind as the abuse of Mother Nature has been practicing by humans since time immemorial. Though such abuse has been justified by man’s satisfaction of needs for survival, the act of destroying our sole source of life and living is ecologically immoral. For the past decades, the earth has been experiencing the drastic changes in its extremities caused by global warming which is now threatening climat...

Eduk-aksyon

Edukasyo’y makulay, interesante’t mahusay Lundayan ng pundasyong matibay Sibulan ng lahing marangal at dakila Hulmahan ng pantas na tinitingala. Karunungan dito’y di napaparam Hatid nito’y ‘sang laksang kaalaman Siksik, liglig, at umaapaw nang lubusan Walang humpay sa paghubog ng kaalaraan. Pandayan nang isip ay mamulat Sa katotohanang sadyang panlahat Susi sa kamangmangang sadlak Bumangon sa buhay na payak. Haplos ng kalinanga’y ramdam Pagkain sa isipang sa kamuwangan ay kalam Gabay sa landasing tinatahak Sa kalantaran sa mundo’y laksa ang galak. Hindi kung sino-sino o ano-ano Edukasyong hindi humuhusga ng palalo Dinidiligan nito ang puno nang bunga’y masagana Hinihintay mahinog bago pitasin at makuha. Ito ang ipinunlang maaani Sa sipag at tiyaga, buhay ay maitatangi Sa kilos at gawa, dangal ay maitatanghal Edukasyo’y impormasyong bumubukal. Edukado’y kilala sa gawa ‘Di sa bulalas ng kanyang dila Kaisipa’y realidad ang n...

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?

Ang Araling Panlipunan, bilang isang asignatura ay matagal nang tinitignan ng mga mag-aaral na mahirap, nakakabagot, at hindi interesanteng pag-aralan. Isa ito sa mga hamon na patuloy pa ring hinaharap ng mga kaguruan ngayong ika-21 siglo. 1.       Mahirap na asignatura ang Araling Panlipunan Ang naturalesa ng Araling Panlipunan, partikular ang mga sub-kategoryang asignatura nito tulad ng kasaysayan ay nangangailangan ng malalimang pag-aanalisa sa mga naganap, nagaganap, at maaaring maganap sa kasaysayan ng tao at ng daigdig. Sa dami ng mga datos na pinag-aaralan at inaanalisa, nag-iiwan ito ng tendensiya para sa mga mag-aaral na makaranas ng kahirapan sa pag-intindi sa mga datos na ito dahil sa dami ng kailangan imemorya o kabisaduhin. Lumalabas tuloy na isang kabisaduhang asignatura ang Araling Panlipunan, na memorya lamang ang pinapalakas. 2.       Nakakabagot ang Araling Panlipunan Madalas nakararanas ng pagkainip sa pag-aar...

Teacher’s Philosophy of Education

Teacher’s philosophy of teaching and of education, in general, should be anchored on that of the state and the institution where s/he serves. Aside from that, this philosophy must follow the accepted standards and norms of the society where s/he is part of. This philosophy must transcend the ideals of becoming and living as a moral, resilient, productive, upright, and responsible individual. T   -  T ranspires the ideals of the land to the citizens E    -  E ducates people to move for a cause A   - A rgues for just and upright C    - C harters all the means in delivering quality education H   -  H inders the barriers for the holistic development of learners E    -  E choes the principles of equality, equity, and efficacy in education R’ -  R ipples the value of freedom and love for country S    - S hields learners from any harm and violence P    -  P rotects child ri...

Birtud-Istambay: Implikasyon sa Edukasyon ng mga Mag-aaral

Ang paaralan ay isang institusyon na nagsisilbing lundayan at pandayan ng kaisipan at pagkato ng mga mag-aral. Ito ay mabisang instrument sa pagkakamit ng tagumpay ng isang tao, kaagapay ang iba pang isteykholder ng edukasyon. Sa mga alituntuning ipinatutupad sa paaralan, nahuhubog ang pagkatao ng mga mag-aaral at ang pang-unawa nila sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagiging tao, pagpapakatao, at pakikipagkapwa-tao. Itinataas ng edukasyon ang antas ng kamuwangan at pagtanggap ng tao sa kanyang sarili at sa kapwa-tao. Gaya ng winika ni Recto (2005), ang edukasyon ay isang mabisang pamamaraan upang akayin palabas ang tao mula sa kanyang kamangmangan at kakulangan ng kaalaman sa maraming bagay sa pamamagitan ng pag-aaral upang mapalago ang kanyang pagkatao. Samakatuwid, mabisang instrumento ang edukasyon para mapalago ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatao, pagkaunawa sa kanilang sarili, at pagpapahalaga sa kanilang kapwa. Gayunpaman, dagdag pa ni Recto (2005), bawat tao ay ...

Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba

Nasyon sa mundo'y 'sang laksa Kaya't pagkakaisa'y hirap makita Kaliwa't kanan may nagbobombahan Kapayapaa'y hirap masumpungan Marami na ang nagbuwis ng buhay Makamtan lang kapayapaang inaasam Marami na ang nagbago Ngunit pagkakaisa'y laging nabibigo Saan ba natin dadalhin ang pagkakaiba-iba? Sa hukay ba'y makokontento ka na? Paano magsisimula ang pagbabago? 'Di ba't magsisimula ito sa 'yo? Kapatid, kulay mo ma'y iba. Salita mo ma'y 'di ko maintindihan tuwina. Sisikapin kong unawain kang lagi. Upang tayo'y mabuhay ng may ngiti.

Mag-aaral: Isang Pagtatanong

Wika ni Rizal - "Kabataan ang pag-asa ng bayan!" Ang tanong ko naman - "Bakit hindi ninyo pinaghuhusay?" Masasayang na lang ba ang lahat ng pinaghirapan Ng ating bayaning naglaan sa inyo ng buhay? Marami na ang nagbuwis, nag-alay ng kanilang buhay. Kaya't kabataan, magsumikap kang tunay. Tumulong, makialam, ibangon - dangal ng bayan. Sa munting paraan, mayroon kang maibibigay. Sa panahong lahat ay pabago-bago, Naanod ka na rin ng mga kaisipang trapo? Sa pag-unlad ng teknolohiya sa mundo, Katauhan ba'y simbilis na ring naglaho? Mangusap ka kabataan, ihayag ang kalooban. Ningasan ang damdaming pinalalamig ng dayuhan. Iwaksi ang mali, paliparin ang isipan. Sa malayong pastulan, 'wag mandarayuhan. Hahayaan bang kinabukasa'y maparam Ng makamundong pagnanasa at adhikaing mapang-imbabaw? Kailan magigising sa bangungot ng kawalang-pag-asa? Hayagan na lang bang walang gagawin sa tuwina? Oo nga't bata ka, ...