Hinga Lang
Nilalamon ka man ng lungkot Lugmok sa pangungulila't pagod Hinga lang ‘Di natutulog ang Diyos Pakiramdam ma'y nag-iisa Pinaglayo ng pandemya Hinga lang Maaayos din ang lahat ‘Wag sukuan ang pag-asa Sa Diyos ay umasa ‘Di man umayon ang panahon Sa Kanya, may pagkakataon Nasaan ka man ngayon Mahirap man ang sitwasyon Hinga lang May darating na solusyon Ngayong sinusubok tayo ng Diyos Hirap man unawain nang lubos Hinga lang Sa huli’y may paghilom