Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?
Ang Araling Panlipunan, bilang isang asignatura ay matagal nang tinitignan ng mga mag-aaral na mahirap, nakakabagot, at hindi interesanteng pag-aralan. Isa ito sa mga hamon na patuloy pa ring hinaharap ng mga kaguruan ngayong ika-21 siglo. 1. Mahirap na asignatura ang Araling Panlipunan Ang naturalesa ng Araling Panlipunan, partikular ang mga sub-kategoryang asignatura nito tulad ng kasaysayan ay nangangailangan ng malalimang pag-aanalisa sa mga naganap, nagaganap, at maaaring maganap sa kasaysayan ng tao at ng daigdig. Sa dami ng mga datos na pinag-aaralan at inaanalisa, nag-iiwan ito ng tendensiya para sa mga mag-aaral na makaranas ng kahirapan sa pag-intindi sa mga datos na ito dahil sa dami ng kailangan imemorya o kabisaduhin. Lumalabas tuloy na isang kabisaduhang asignatura ang Araling Panlipunan, na memorya lamang ang pinapalakas. 2. Nakakabagot ang Araling Panlipunan Madalas nakararanas ng pagkainip sa pag-aar...