Isang Wika, Dinarakila!

Filipino, wikang panlahat
Salamin ng lahing dakila’t matapat
Panambitan ng lahing marikit
Panaghoy ng mga pusong kumakandirit

O wikang bida sa bayan ni Juan
Tinuruan mo ang lahing lumaban
Magka-boses, dumaing, sumalag, tumahan
Pinagbuklod ang idelohiyang sangang-daan

‘Sang laksa ang tuwa ‘pag ika’y sinasalita
Nagpapaalala kung gaano ka kadakila
Ika’y produkto ng sama-samang paggawa
Ng bayang bagama’t iba-iba, iyo namang pinag-isa

Sa pagkakaisa’y mabisa kang instrumento
Lundayan ka ng mga argumento
Bigkasin ka’y hindi mapapako
Narririnig ka saan man magtungo

Nang masambit ka’y ano’ng tuwa
Ang masaysay ka’y labis kong dinarakila
Pagkatao ko’y tumataas kapag daka
Pintakasi, Filipino kong minumutya

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?