Kabataan: Salamin ng Pag-asa sa Bayan ni Juan

Kabataang mailap, saan ka nagpunta?
Naligaw ka na ba’t di na makababalik pa?
Ang aba mong bansa’y naiinip na
Ikaw na lamang ang natitirang pag-asa.
 
Sambit ni Rizal, ika’y aming pag-asa
Sa iyong husay at galing, kami’y nagtitiwala
Muling matatanaw, bukas na kay ganda
Kadakilaan ng bansa’y siguradong abot-kamay na.
 
Ika’y malakas, magaling, masipag -
Mga katangiang sa iyo’y magpapamayagpag
Sa talino mo’t husay, bansa’y magniningning
Ang apoy sa ‘yong puso’y magpapaalab sa damdamin.
 
Halina’t gumising, kabataang minahamal
Pag-asa ng bayan, sa’yo namin itinatanghal
Samahan kami sa landas ng tagumpay
Pagsumikapan natin ang kinabukasan ng bayan.
 
Ikaw ma’y naliligaw, di alam ang gagawin
Sa ating kapit-bisig, walang di mararating
Anuman ang mangyari, si Juan ay di pagagapi
Aalalayan ka namin sa bayang ikaw ang pinili.
 
Ang pag-asa ng bayan na sa iyo’y ipinunla
Sasamahan ka naming ito’y maani’t muling itanikala
Sa susunod na henerasyong magpapatuloy ng lahi
Pag-ibayuhin natin ang pag-asa sa bayang itinangi.

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?