Balikatan sa Brigada Eskwela

Paaralang tinatangi, sama-samang bigyang-ngiti
Sa kamay ng taumbayan, ito'y magniningning muli
Ayusin ang mali, patibayin ang haligi
Sa anumang paraan, tayong lahat ay may silbi.

Sa gawaing ito, lahat tayo'y nagkakaisa
Maliit man ang ambag, mahalaga'y kasama ka
Sa paglilinis, pagpapaganda ng paaralang sinisinta
Upang sa pasukan, lahat ay naihanda na.

Damo rito, pintura roon
Hakot ng kalat, walis maghapon
Pagod may nakakahapo, di tayo sumusuko
Sa pagtutulungang wagas, walang hindi mabubuo.

Sa bawat silid-aralang nalilinis, edukasyo'y di magmimintis
Sa bawat upuang pinormahan, kinabukasa'y may kasiguraduhan
Sa bawat pisarang mapipinturahan, kaalama'y makakamtam
Sa pagsisikap na pasuka'y paghandaan, walang batang mapag-iiwanan.

Comments

Popular posts from this blog

Localization and Contextualization in Teaching K-12 Social Studies

Analysis on Child Protection Policy (DepEd Order No. 40, s. 2012)

Bakit Nahihirapan ang mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan?