Posts

Showing posts from July, 2015

Pilipinas, Aking Pintakasi

Nakakatuwa naman ang karanasan ko kanina sa isang seksyon na binantayan ko. Ang kanilang gawain ay gumawa ng isang tula na may ritmo at tugma. Hilig ko ang paggawa ng tula kaya halos hindi man lang namin namalayan ang paglipas ng oras. Narito ang tula na aking ginawa. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Aking Pintakasi Pintakasi, aking bayang hinirang Lundayan ng dunong, pugad ng tapang Pag-alabin ang puso’t lahing pagal Dinggin ang pagsamo’t apoy, tumagal Hirang, iwaksi mo ang kasaysayan Alisin ang piring sa aba mong bayan Tupdin naming lubos ang ‘yong adhika Magnasang sa mundo’y madarakila O ‘Pinas, ganda mo’y ‘di magmamaliw Sa yumi mong taglay, banyaga’y baliw Ano’ng sikreto mo’t di ka maiwan? Sa piling kaya’y kaya pang manahan? Walang pagsidlan, tuwang nadarama Paglingkuran ka’y tunay na ligaya Ikaw ang kariktan ng aking puso Makasama ka, sa’ki’y bumu...

Nang Hamunin ng Kapalaran si Angelito

Ang edukasyon ay para sa lahat. Anoman ang edad, ito ay bukas sa sinomang nagnanais ng pagbabago at kaunlaran sa kanilang buhay. Marami ang napagkakaitan ng ganitong pagkakataon at tila nagiging pribilehiyo na lang sa iilan.  Sa isang balik-aral na estudyante, edarang 23, tila suntok sa buwan ang pagkakataon na makabalik muli sa sistema. Ngunit, ang bawat umpisa ay mahirap, tulad ng paghakbang ng isang bata sa unang pagkakataon -- maari kang madapa at masugatan. Totoo, masakit ang madapa ngunit ang kasakitang ito ay kinakailangang madam upang matutong bumangon sa bawat pagkakadapa. Sa bawat pagkakamali at kabiguan, may puwang sa pagbabago. Tulad din ng isang anak na naligaw ng landas, 'pag naiwaksi ang pagkakamali at nagsisi, bukas-palad pa ring tatanggapin. Minsan, tama man ang intensyon, nagkakamali ma rin sa aksyon.  Iba ang paraan ng pakikitungo sa mga mas nakakabata sa mga mas nakatatanda. Hindi bulaan ang pakikitungo, dapat sinsero at matimbang. Bilang guro,...