Kabataan: Salamin ng Pag-asa sa Bayan ni Juan
Kabataang mailap, saan ka nagpunta? Naligaw ka na ba’t di na makababalik pa? Ang aba mong bansa’y naiinip na Ikaw na lamang ang natitirang pag-asa. Sambit ni Rizal, ika’y aming pag-asa Sa iyong husay at galing, kami’y nagtitiwala Muling matatanaw, bukas na kay ganda Kadakilaan ng bansa’y siguradong abot-kamay na. Ika’y malakas, magaling, masipag - Mga katangiang sa iyo’y magpapamayagpag Sa talino mo’t husay, bansa’y magniningning Ang apoy sa ‘yong puso’y magpapaalab sa damdamin. Halina’t gumising, kabataang minahamal Pag-asa ng bayan, sa’yo namin itinatanghal Samahan kami sa landas ng tagumpay Pagsumikapan natin ang kinabukasan ng bayan. Ikaw ma’y naliligaw, di alam ang gagawin Sa ating kapit-bisig, walang di mararating Anuman ang mangyari, si Juan ay di pagagapi Aalalayan ka namin sa bayang ikaw ang pinili. Ang pag-asa ng bayan na sa iyo’y ipinunla Sasamahan ka naming ito’y maani’t muling itanikala ...