Gaya ng Tubig
Ang tubig, nagbibigay-buhay Pumamatid sa uhaw Pumapawi sa init ng araw Kanlungan ng buhay-ilang Ang tubig, malakas Nakalulunod; nakakapaminsala Yumayakap sa mundo Minsa'y nakapaparam sa buhay dito Ang tubig, laganap Makikita kung saan-saan Maging sa ilalim ng disyertong tigang Maging sa polar ay nananahan Ang tubig, malinaw at malabo Minsa'y pwedeng manalamin Minsan, may kadilimang angkin Kalmadong masungit; mapagbigay na maramot Ang tubig, napapagod Pwedeng maubos Wala ng naibibigay Nagtatago sa kaila-ilaliman Ang tubig, bumabangon Manlabo ma'y lilinaw din kalaunan Maubos ma'y makikita rin sa ibang paraan Makakitil ma'y lundayan din ng buhay --------------------------------------------------------------------------------------------------- Ang tao ay parang tubig. Ito ang bumubuo sa malaking bahagdan ng ating katawan, pumapatid sa ating uhaw, at nagbibigay-ginhawa. Minsan, para tayong tubig, gaanon man tayo kalin...