Posts

Showing posts from October, 2014

Eduk-aksyon

Edukasyo’y makulay, interesante’t mahusay Lundayan ng pundasyong matibay Sibulan ng lahing marangal at dakila Hulmahan ng pantas na tinitingala. Karunungan dito’y di napaparam Hatid nito’y ‘sang laksang kaalaman Siksik, liglig, at umaapaw nang lubusan Walang humpay sa paghubog ng kaalaraan. Pandayan nang isip ay mamulat Sa katotohanang sadyang panlahat Susi sa kamangmangang sadlak Bumangon sa buhay na payak. Haplos ng kalinanga’y ramdam Pagkain sa isipang sa kamuwangan ay kalam Gabay sa landasing tinatahak Sa kalantaran sa mundo’y laksa ang galak. Hindi kung sino-sino o ano-ano Edukasyong hindi humuhusga ng palalo Dinidiligan nito ang puno nang bunga’y masagana Hinihintay mahinog bago pitasin at makuha. Ito ang ipinunlang maaani Sa sipag at tiyaga, buhay ay maitatangi Sa kilos at gawa, dangal ay maitatanghal Edukasyo’y impormasyong bumubukal. Edukado’y kilala sa gawa ‘Di sa bulalas ng kanyang dila Kaisipa’y realidad ang n...